Pumalo na sa mahigit 30% ang positivity rate ng COVID-19 sa apat na lungsod sa hilagang bahagi ng Metro Manila.
Ito ay ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA).
Sa Navotas City, umakyat sa 12 ang active cases mula sa dating pito noong July 3.
Sumampa naman 64 ang aktibong kaso sa Valenzuela City mula sa 41 noong July 2.
Ganito rin ang pagtaas na nakita sa Malabon City at Caloocan City na naganap makalipas ang limang araw.
Sa ngayon, pinaigting na ng mga lokal na pamahalaan sa CAMANAVA ang kanilang kampanya pagbabakuna maging ang contact tracing.