Pinayuhan ang mga possible contact ng dalawang nagpositibo sa Omicron variant na mag-isolate para maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Ayon kay Vaccine Expert Panel Dr. Rontgene Solante, patuloy na hinahanap na ng DOH ang mga possible contacts ng mga nadetect na dalawang Omicron variant cases sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Solante na dapat gawin ang contact tracing sa lahat ng mga pasahero ng eroplanong sinayan ng mga Omicron variant patients.
Aniya, kailangan bantayan ng mabuti ang mga naturang pasahero dahil hindi aniya alam kung kailan makikitaan ito ng sintomas.