Nakalatag na ang post election plan ng Philippine National Police (PNP) sakaling magkaroon ng gulo pagkatapos ng eleksyon.
Ang pahayag ay ginawa ni PNP OIC Police Lt Gen Vicente Danao Jr., dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng kilos protesta ang supporters ng ilang kandidato pagkatapos ng halalan.
Hangga’t wala aniyang gulong nagaganap at mapayapa ang protesta ay papayagan naman nila ito.
Ngunit hindi aniya hahayaan ng PNP na magkaroon ng karahasan o gulo sa gitna ng protesta.
Ayon kay Danao, bagamat case to case basis ito ay hindi aniya magdadalawang isip ang PNP na hulihin ang mga nagwawala, naninira ng property, at nagdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko malapit sa polling precincts. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)