Pag-iigihin sa ilalim ng administrasyong Marcos ng mataas na kapulungan ng kongreso ang post-pandemic setting.
Ayon kay ni House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez, ito ay upang lubos na makapagtrabaho ang mga mambabatas at makatulong sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng COVID-19.
Tiniyak ni Romualdez na ang sipag na naganap ng 18th congress sa pamamagitan ng pagtatala sa may kabuuang 1,497 committee reports ay pagpapakita ng pagiging aktibo ng mga kongresista kahit sa kasagsagan ng pandemya.
Samantala, naunang ipinagmalaki ni nito na umabot sa kabuuang 13,526 measures ang naihain sa buong 18th congress mula July 22, 2019 hanggang June 3, 2022, kung saan 10,845 dito ay panukalang batas at 2,681 naman ay resolusyon.