Sinimulan na ng Commission on Elections ang post-qualification evaluation para sa pagbili ng Bagong Automated Election System para sa 2025 National at Local Elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco, nagsagawa na ang poll body ng end-to-end testing sa mga prototype machine ng lone bidder na miru systems company limited.
Tapos na aniya ang ahensyang tingnan ang mga papel ng MIRU ngunit kanila pa ring ini-evaluate ang mga makina kung gagana ito alinsunod sa pamantayan ng COMELEC.
Inaasahan naman ng poll body na tatagal ng isang buwan ang post-qualification proceedings gayundin ang pagche-check sa mga papeles, mga ballot box, at iba pang detalye. – sa panunulat ni Laica Cuevas