Nakatakdang ilipat ng Department of Public Works and Highways katuwang ang National Electrification Administration ang mga poste ng kuryente na nakahambalang sa mga kalsada sa metro manila at iba pang lalawigan sa bansa.
Ayon kay DPWH Undersecretary for Legal Affairs Anne Sharlyne Lapuz, kabilang sa kanilang proyekto ang pagpapalawak ng mga kalsada at paglilipat sa tamang lugar ng mga poste ng kuryente sa lalong madaling panahon.
Sinabi ng opisyal na gumawa na sila ng guidelines para sa validation at prioritization sa relokasyon at pagbabayad ng mga electric post na nakapaloob sa right-of-ways.
Binigyang diin ng opisyal na aabot sa limampung milyong piso na halaga ng pondo ang inilaan ng ahensya upang mabigyan ng seryosong atensyon ang paglilipat ng mga nakaharang na poste ng kuryente sa mga kalsada.