Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na malabong mangyari ang scenario ng no-el o no elections sa Mayo 9 dahil sa kautusan ng Korte Suprema na mag-issue ng voter receipts.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, kabilang sa kanilang ikinukunsiderang opsyon ang postponement o pagpapaliban sa halalan.
Sakali anyang magkaroon ng “po-el” ay posibleng kailanganin nila ng karagdagang ilang linggo upang makapagdeklara ng mga nanalong kandidato bago ang June 30 para sa maayos na transition.
Ipinaliwanag din ni Bautista na kailangan pang magpasa ng batas ang kongreso anuman sa manual elections o pagpapaliban sa halalan ang kanilang ikunsidera.
By Drew Nacino