Mahilig ka bang kumain ng potato chips? Hindi nakapagtataka kung oo, dahil bukod sa masarap itong pang-meryenda, lalo na habang nanonood ka ng favorite series mo, may vitamins at minerals din ito tulad ng potassium, vitamins E, C, and B6, at manganese.
Sa India, patok ang potato chips na gawang kalye dahil sa taglay nitong crispiness. Kahit ikaw mismo, pwedeng pwede gumawa ng Indian potato chips sa iyong bahay, basta sundin mo lang ang proseso at sikreto sa paggawa nito.
Kailangan munang ilagay ang mga patatas sa isang machine na may tubig upang malinisan ang mga ito. Tubig-ilog ang ginagamit ng ilang street vendors sa India.
Matapos ang ilang minutong paghahalo, bubuksan na ang machine kung saan mahuhulog ang mga patatas sa isang balde.
Gamit ang potato slicer, hihiwain na ang mga patatas sa ibabaw ng kumukulong mantika. Para hindi magdikit-dikit ang chips, kailangan itong patuloy na haluin.
Habang piniprito ang potato chips, dito na ilalagay ang isang kutsara ng saltwater o tubig-alat. Bukod sa nagbibigay ito ng kakaibang flavor, ito rin ang dahilan kung bakit nagiging malutong ang potato chips.
Kapag naririnig na ang crisp sound, pwede na itong i-scoop at lagyan ng iba’t ibang seasonings.
Masarap na, murang-mura pa ang Indian street food na ito. Hindi na nakapagtatakang patok ito sa mga Indian, pati na rin sa mga turista.