Kasalukuyang pinupulong na ng DA o Department of Agriculture at Provincial Veterinary Office ng Nueva Ecija ang mga may-ari ng mga poultry farms sa naturang lalawigan.
Ito ay upang pag-usapan ang proseso ng depopulation sa mga manok at itlog sa mga poultry farms sa Jaen at San Isidro kasunod ng naitalang kaso ng poultry deaths.
Ayon sa BAI o Bureau of Animal Industry, kumuha na sila ng mga specimen mula sa mga nasabing poultry farms upang magsagawa ng laboratory tests.
Inaasahan namang maipalalabas na ang resulta ng mga pagsusuri mamayang hapon o kaya ay bukas ng umaga.
Kasunod nito, nagpatupad na rin ng precutionary measures ang lalawigan ng Nueva Ecija.
By Krista de Dios