Nagpatupad ng temporary ban ang Department of agriculture sa pag-angkat ng poultry products mula japan, Hungary at California, U.S.A. dahil sa banta ng bird flu.
Alinsunod ito sa nilagdaan ni Undersecretary Domingo Panganiban na DA Memorandum Orders 69, 70 at 71 noong Nobyembre a – 23.
Nakasaad sa kautusan na pansamantalang ipinagbabawal ang pag-angkat ng domestic at wild birds at mga produkto, gaya ng poultry meat, day-old chicks at itlog mula sa mga naturang lugar.
Sinuspinde rin ng kagawaran ang processing, evaluation ng application at issuance ng sanitary and phytosanitary import clearance para sa mga nasabing commodity.
Gayunman, papapasukin pa rin ang shipment mula sa Japan at Hungary na in-transit na bago pa naibigay ang notice ng m.o. sa Japanese at Hungarian authorities, sa kondisyon na ang mga produkto ay “slaughtered o produced” bago ang October 12, 2022.
Ang shipments naman mula California na in-transit bago ilabas ang m.o. sa U.S. authorities ay papapasukin din basta’t ang mga produkto ay “slaughtered o produced” bago ang August 4.