Matatag o stable ang poultry supply sa bansa.
Ito ang inihayag ng Department of Agriculture o DA sa kabila ng pagkalat ng newcastle disease.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Jose Reaño, walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa magiging epekto nito sa suplay ng manok at iba pang produkto.
Sinasabing kaya kumakalat ang newcastle disease ay dahil sa mga cock owners at stakeholders na nagbibiyahe ng mga hayop sa mga rehiyon na kontaminado ng sakit.
Nilinaw ni Reaño na malapit nang makontrol ng DA ang pagkalat ng newcastle disease lalo pa’t batid na ng mga nagmamay-ari ng mga poultry, bird raisers, at cock owners ang hinggil sa virus.
By Jelbert Perdez