Pursigido si Donnie ‘Ahas’ Nietes na makaharap ang Nicaraguan boxer na si Roman Gonzales na tumalo kay Brian Hawaiian Punch Viloria.
Kasunod na rin ito nang panalo ni Nietes sa ika-walong pagkakataon sa World Boxing Organization Light Flyweight Division.
Ito ay matapos pataubin ni Nietes si Juan Alejo ng Mexico sa pamamagitan ng unanimous decision.
Kaugnay nito, sinabi ni Nietes na may nakipag-usap na sa kanila mula sa kampo ni Gonzales at malaki aniya ang posibildad na gawin sa Pilipinas ang laban sa huling bahagi na ng 2016.
By Judith Larino