Naitala ng National Economic and Development Authority o NEDA ang pinakamababang poverty incidence ng bansa sa loob ng 9 na taon.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa mahigit 26 na milyong Pilipino ang nananatiling mahihirap sa unang bahagi ng taong 2015.
Kalahati ng naturang bilang ang nasa extreme poverty line o nakararanas ng matinding kahirapan at walang paraan para mapakain ang sarili.
Sa kabila nito, sinasabing bumaba pa sa 26.3 percent ang opisyal na poverty incidence ng bansa sa nasabing panahon kaya’t masasabing may bahagyang improvement kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2012 na nakapagtala ng 27.9 percent.
By Jaymark Dagala | Avee Devierte