Tinatarget ngayon ng pamahalaan na ibaba sa single digit o 9% ang poverty incidence sa bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior.
Ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, pumalo na sa 25% ang poverty incidence ng Pilipinas sa unang taon pa lamang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.
Pero napababa ito sa 17% hanggang 18% bago pa tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas noong 2020.
Gagawin naman ng administrasyong Marcos ang lahat para ibaba sa 9% ang Poverty Incidence sa 2021 sa ilalim ng framework na binabalangkas nito.
Sa ngayon, inaasahan na ng kalihim na sa susunod na dalawang taon ay makakapagtala na ang Pilipinas ng pinakamataas na growth rate kumpara sa ASEAN plus three countries.