Umaasa si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo na matatalakay sa APEC Summit ang poverty issue sa bansa.
Ayon kay Quevedo, may positibong idudulot ang pagtitipon ng iba’t-ibang lider para sa pagpapaunlad ng mga bansa katulad ng Pilipinas.
Kung ipatutupad aniya ang tinatawag na “trickledown theory”, mararanasan ng mga nasa grassroots ang pag–unlad sa ekonomiya.
Umaasa rin ang arsobispo na magiging mapayapa sa kabuuan ang APEC 2015 kung saan nakataya umano ang pangalan hindi lamang ng pamahalaan kundi ng buong bansa.
By Meann Tanbio