Idineklara na ang power crisis sa Palawan.
Dahil dito, ipinabatid ni PALECO o Palawan Electric Cooperative General Manager Ric Zambales na puspusan ang paghahanap nila ng ibang alternatibo para sa dagdag na makina na makapagbibigay ng sapat na kuryente.
Ayon pa kay Zambales, posibleng tumagal ng isa’t kalahating buwan ang itatagal ng power crisis sa lalawigan.
Samantala, hindi naman nababahala ang Puerto Princesa Local Government sa maaaring maging epekto sa turismo ng lungsod dahil matagal nang may problema sa supply ng kuryente ang Palawan.
Hindi apektado sa power crisis ang Puerto Princesa underground river dahil hindi naman ito gumagamit ng kuryente.
By Judith Larino