Isang malaking sakuna ang nararanasang krisis sa kuryente sa Occidental Mindoro.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Occidental Mindoro Vice Governor Diana Apigo Tayag, kasunod ng naging epekto sa lalawigan ng kakulangan sa supply ng kuryente.
Aminado naman ang bise gobernador ng Occidental Mindoro na hindi sapat ang kanilang calamity fund para tugunan ang power crisis.