Haharangin sa Kamara ni Bayan Muna Partylist Representtaive Neri Colmenares ang panukalang power hike ng National Power Corporation.
Ayon kay Colmenares, sinasamantala ng NAPOCOR na pagiging abala ng mga tao sa Pasko at eleksyon kaya isinisingit nito ang pagtataas ng singil sa kuryente sa ganitong panahon.
Nagawa na aniya nilang harangin ang parehong plano ng NAPOCOR 2 taon na ang nakakaraan at posible pa rin ito ngayon.
Una nang hiniling ng NAPOCOR sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag na P2 singil sa kada kilowatt hour ng kuryente sa Luzon, P2.30 kada kilowatt hour ng kuryente sa Visayas habang P1.45 sentimo naman sa kada kilowatt hour ng kuryente sa Mindanao.
By Rianne Briones