Nagbabala ang Department of Energy na posibleng makaranas ang
Luzon power grid ng ‘Yellow Alert’ sa mga darating na buwan dahil sa epekto ng El Niño sa Hydroelectric Power Plants.
Kaugnay nito, hinikayat ng ahensiya ang publiko na magtipid sa kuryente habang naghahanda ang bansa sa dry season.
Inihayag ng DOE na patuloy nilang binabantayan ang power situation sa bansa upang matiyak ang energy security, lalo na sa susunod na tatlong buwan kung kailan mararamdaman ang nakapapasong temperatura.
Samantala, pinaalalahanan naman ng nasabing departamento ang mga power generation companies na sumunod sa DOE-approved operation and maintenance program upang matiyak na makakamit ang target operational dates. – sa panunulat ni Katrina Gonzales