Posibleng magtaas ng singil sa kuryente ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kapag tinanggal ang value-added tax (VAT) exemption sa mga GOCC o Government-Owned and Controlled Corporation.
Giit ni NGCP Assistant Corporate Secretary Ronald Concepcion, maaari nilang ipasa sa mga konsyumer ang dagdag na buwis kapag pinagbayad sila ng income tax at VAT.
Target naman ng Senado na tapusin ang committee report sa tax reform bill sa unang linggo ng Setyembre.
By Arianne Palma