Posibleng ipa-refund ng Energy Regulatory Commission o ERC ang dagdag singil na ipinatupad ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong Pebrero.
Ayon kay Atty. Florisinda Baldo-Digal, tagapagsalita ng ERC, natataasan sila sa dagdag singil na P0.42 kada kilowatt hour ng MERALCO ngayong buwan.
Aabutin aniya ng isang buwan ang paghihimay ng ERC sa depensa ng MERALCO sa ipinatupad na power rate hike ngayong buwan.
Ipinabatid ni Digal na posible ang refund kapag napatunayang may mali sa diskarte ng MERALCO.
Una nang inihayag ng MERALCO na kaya sila nagtaas ng singil ngayong Pebrero dahil tumaas ang presyo ng kuryente galing sa mga ka-kontratang planta.
By Meann Tanbio