Bababa ng P0.41 kada kilowatt hour ang singil ng Manila Electric Company (MERALCO) para sa Mayo.
Ayon sa report, ito ay dahil sa pagbaba ng generation charge at iba pang charges mula sa mga planta ng natural gas.
Dahil dito, ang mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay mababawasan ng P82 sa bill; P123 pesos naman ang bawas sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour.
By Katrina Valle