Posibleng sa Agosto na maibalik ang suplay ng kuryente sa Leyte, Samar at Bohol bunsod ng malakas na lindol na naganap noong nakaraang linggo.
Gayunman, ipinabatid ng Department of Energy o DOE na nasa 160 megawatts lamang ang maibabalik na enerhiya sa July 31 o August 1 na 55% lang ng total demand para sa tatlong lalawigan.
Samantala, plano ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines na gumamit ng submarine cable para madala ang kuryente mula Cebu patungong Ormoc at sa Kananga, Leyte.
Tiniyak ng NGCP na tuloy-tuloy ang 24/7 nilang pagtatrabaho kahit hindi maganda ang panahon sa lugar.
By Meann Tanbio
Power restoration sa Leyte quake areas posibleng sa Agosto pa was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882