Naglatag ng mga opsyon si Energy Secretary Jericho Petilla para mabawasan ang problema ng power shortage sa Occidental Mindoro.
Sa ginanap na Occidental Mindoro Power Forum 2015 kahapon, inilatag ni Petilla ang pangakong solusyon sa brownout.
Ayon kay Atty. Patty Miranda, co-convenor ng Brownout Free Occidental Mindoro Movement, kabilang sa solusyon ang rehabilitasyon ng Sablayan Pag-asa Line na matatapos sa September 2015 at ang long term solution na Unified Grid o One Mindoro Grid.
Kasama rin ang pansamantalang implementasyon ng generator set rentals.
Hiling naman ng mga taga-Occidental Mindoro ang transparency and accountability dahil hindi nalalaman ng mga member consumer ang mga pinapasok na kontrata ng OMECO sa mga power providers nito.
“Ang theme po ng aming position paper ay transparency and accountability, yun po ang nakikita naming problema, wala pong transparency, hindi po namin alam yung mga nakasaad sa kontrata na pinapasok ng aming kooperatiba, hindi din po kami aware sa mga update sa kuryente.” Pahayag ni Miranda.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita