Inaasahang bubuti na ang power situation sa luzon grid sa mga susunod na araw.
Ito’y ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng meralco, ay bunsod ng mga ikinakasang hakbang ng Department of Energy (DOE) para masolusyonan ang pagnipis ng reserba sa kuryente.
Wala rin aniyang inaasahang ipatutupad na rotational brownout ngayong Sabado at Linggo dahil sa mababang demand ng kuryente tuwing weekend.
Maguguntiang nakaranas ng tatlong oras na kawalan ng kuryente sa ilang bahagi Luzon, kahapon.
“For the weekend, mukhang mas mababa naman yung demand usually so mukhang hindi natin kailangan iimplement. But on Monday, we will see the situation early on kung ano ang magiging actual capacity at projector demand.” Pahayag ni Zaldarriaga.
Interview from IZ Balita Nationwide Sabado Umaga
Luzon grid muling itinaas sa yellow alert ngayong araw
Makaraang pawiin ng National Grid Corporation (NGCP) ang yellow alert status sa Luzon grid kagabi, ay muli itong itinaas kaninang alas-nuebe ng umaga.
Magtatagal ang naturang alert status hanggang mamayang alasingko ng hapon at muling ibabalik mamayang alasais hanggang alas-diyes ng gabi.
Batay din sa abiso ng NGCP, iaanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang dahilan sa muling paglalagay sa yellow alert ng Luzon grid.