Inaasahang bubuti na ang power situation sa Luzon grid ngayong Sabado at Linggo.
Ito’y batay sa abiso ng Department of Energy o DOE makaraang makaranas ng rotational brownouts ang ilang bahagi ng Luzon bunsod ng kulang na reserba ng kuryente para sa operasyon.
Ang inaasahang pagbuti sa power situation ay dahil sa mababang demand ng kuryente tuwing weekends.
Samantala, sinabi rin ng DOE na mas bubuti pa ang power system sa pagitan ng Abril 13 at 16 dahil sa mga karagdagang power plants na magbubukas na sa operasyon.