Ipagpapatuloy sa senado ang pagdinig kaugnay sa pag-rebyu ng prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines sa Miyerkules, Enero 10.
Ito’y partikular sa nangyaring power outages sa Panay Island, na lubhang naapektuhan ang ilang negosyo.
Naniniwala si Senador Raffy Tulfo na ang malawakang brownout sa Panay Island ay dahil sa kapalpakan ng NGCP kung saan hindi na-maintain ang stability ng grid na bahagi ng kanilang tungkulin.
Paliwanag ng Sen. Tulfo, hindi ito ang unang beses na naganap ang pagbagsak ng kuryente sa Panay kaya naman iginiit ng senador na dapat nang rebyuhin ang prangkisa ng NGCP.