Sinimulan na ng Department of Energy o DOE ang rehabilitasyon ng power supply sa Marawi City.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Redemptor Delola na target nilang maayos ang power supply sa Marawi City sa susunod na taon.
Sinasabing 25 porsyento ng lungsod ang isinailalim sa rehabilitasyon partikular sa mga lugar na una nang naapektuhan ng labanan.
Kabilang sa rehabilitasyon ang pagtatayo ng mga poste ng kuryente, power plant operation resumption at maging ang pagkonekta ng mga kuryente sa mga tirahan.
Kasabay nito, ipinaabot ng DOE ang pasasalamat sa inter-agency task force na nagbibigay proteksyon sa power facilities sa area kayat hindi ito naaapektuhan ng patuloy na giyera.
—-