Tuloy-tuloy ang power restoration works ng Visayan Electric Co. (VECO) sa Metro Cebu.
Ito ang inihayag ni VECO president at chief operating officer Raul Lucero matapos mahigitan ng power firm ang kanilang 80-percent re-energization target.
Sinabi ni Lucero na dahil sa karagdagang manpower at equipment ay naibalik na ang suplay ng kuryente sa walumpung porsiyento ng kanilang mga kustomer sa lalawigan.