Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang simulation run sa mga tren ng Light Rail Transit (LRT) line 2 ngayong araw.
Ito ay matapos na hindi matuloy ang target na partial operations ng LRT-2 o biyahe mula Recto hanggang Cubao stations at pabalik.
Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, may mga kailangan pang isaayos sa power supply at telecommunication system sa LRT-2 bago tuluyang masimulan ang partial operations.
Ito aniya ay upang matiyak ang ligtas at maasahang biyahe ng mga tren ng LRT – 2 sa kabila ng nangyaring sunog noong nakaraang Linggo.
Our simulation na sinasabi ay hanggang gabi po at hanggang madaling araw, talagang nahihirapan po tayo. So, ang importante po samin kasi is convenience atsaka yung safety ng ating mga pasahero. Tuloy-tuloy pa din so, ‘wag po kayo magtaka kung may makikita kayong tumatakbong tren sa taas, walang tao po dyan kasi simulation po ‘yun. Ang objective po natin ay ma-find tune natin yung operational procedure natin in such a way na ang end result n’ya is to have a convenient and specially safe din sa ating mga pasahero,” ani Cabrera.
Samantala, sinabi ni Cabrera patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang tunay na naging sanhi ng insidente.
So, wala pang report doon sa nangyaring imbestigasyon, on-going pa siya and then kahapon, I would like to confirm sa mga ibang kasama ko na kung dumating na ba yung mga experts na tinatawag natin dun na commissioning engineers. You’re the ones who are involved doon, nung ipinatayo itong line 2 system specifically nung ikinabit yung ating mga transformers, sila mismo yung nag-commission and makakatulong sila sa ating assessment, sila yung experts more or less mapi-pinpoint kung ano yung naging sanhi nung ating problema,”ani Cabrera. — sa panayam ng Ratsada Balita.