Aminado ang Philippine Ports Authority (PPA) na wala silang magagawa hinggil sa mga abusadong importer na ginagawang warehouse ang ilang pantalan sa bansa.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, multa lamang ang kanilang ipinapataw sa mga importer na hindi naglababas ng mga kargamento.
Nagbabayad naman anya ang mga importer dahil mas mababa ito sa penalty fees kumpara sa warehouse fees at hindi nila maaaring pakialaman ang mga kargamento dahil trabaho ito ng Bureau of Customs.
Samantala, patuloy ang paglabas ng mga kargamento sa mga pantalan kung saan nanatiling mataas ang port utilization rate. —sa panulat ni Jenn Patrolla