Inihayag ng Philippine Ports Authority na kamakailan ay 2 barko pa ang kanilang naharang na may lulan na sako-sako ng imported na asukal sa isang private port sa Mabini, Batangas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PPA Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, nais sana ng mga barko na makadaong sa private port sa lalawigan ngunit hindi nila ito pinayagan matapos makita ang kargamentong asukal.
Naharang natin at dinisapprove ang tinatawag nating birthing application atnubay sila na sa government port lang sila magunload, and medyo natagalan sila ng konti dahil umapela sila na ituloy doon nga sa private port nagkaroon ako ng pagkakataon na isangguni, ireport nga sa ating general manager at sa ating Jayda santiago, at dalawang salita lang ang sagot sa akin “NO WAY’ kaya siguro pumayag sa akin na magpavalue sila na sila ay magpaunload, sa ating government ports, diyan po sa may Bawan kaya po sila nakakuha ng birthing permit
Samantala, aabot sa mahigit 50,000 bag ng asukal ang ibababa ng mga nasabing barko.
Ang una pong MV Queen of Peace 20,500 at pagkatapos po niyan tsaka po sususnod ay ang MV Seaports 7 na mayroon po soyang 30,000 bags, so ang total po nito ay 50,500 bags.
Ang tinig ni PPA Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, sa panayam ng DWIZ