Wala pang naitatalang untoward incident ang Philippine Ports Authority sa mga pantalan sa Pilipinas.
Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na bukod sa mga nakumpiskang kagamitan ay wala pa silang namo-monitor na untoward incident.
Ngunit nagbabala si Santiago na ipinagbabawal ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang pagbi-byahe ng anumang meat products, partikular na sa Port of Batangas papunta sa Oriental Mindoro.
Kaugnay nito, pinalalagyan ni Santiago ng information materials ang mga pantalan upang ma-i-paalam sa mga pasahero na gamitin ang mga social media platforms para sa tamang pagpapalaganap ng impormasyon. —sa panulat ni Hannah Oledan