Handa na para sa papalapit na national and local elections ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Mayo a-9.
Sa pahayag ng PPCRV legal counsel at spokesman Atty. Van Dela Cruz, halos nasa 100% na silang handa para magbantay sa halalan 2022.
Ayon kay Dela Cruz, patuloy ang kanilang deployment at activation ng nasa 500,000 volunteers sa buong bansa kung saan, ang University of Sto. Tomas ang magiging command center nila ngayong halalan.
Kumpiyansa si Dela Cruz na accurate o tugma ang mga lumalabas na transmitted voting results at sa physical copies ng election returns na ibinibigay sa PPCRV.