Muling nanawagan sa mga Pilipino ang isang election watchdog na magparehistro para makaboto sa Mayo 2022 National & Local Elections.
Ginawa ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) National Vice Chairman Johnny Cardenas ang pahayag ngayong 47 days na lamang bago ang Setyembre 30 deadline ng nationwide voter registration ng Commission on Elections.
Ayon kay Cardenas, mahalaga ang partisipasyon sa eleksiyon lalo na ng mga botante na 18 taong gulang at maging ng mga dating botante na natanggal na sa listahan.
May pagkakataon pa aniyang magparehistro ang mga ito.
Batay sa Republic Act 8189 o Voter’s Registration Act of 1996, pinapayagan ang COMELEC na tanggalin sa voters list ang mga botanteng hindi nakaboto sa dalawang magkakasunod na halalan.