Nangangailangan pa ng aabot sa 300,000 volunteers ang election watchdog na PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting para magbantay sa darating na halalan sa Mayo.
Ayon kay PPCRV Director Maria Isabela Buenaobra, mahigit 85,000 mga clustered presincts sa eleksyon ang target nilang mapunan ng tatlo hanggang apat na mga volunteers.
Layunin anilang makatulong sa Comelec o Commission on Elections na magiging maayos at mapayapa ang magaganap na eleksyon.
Dagdag ni Buenaobra, bukod sa pagsasagawa ng obserbasyon sa ginaganap na halalan, nakahanda rin ang kanilang mga volunteers na tulungan ang mga botante.
“Bawat voting precinct po ay magkakaruon po ng voter’s assistance set. Halimbawa, sa mga botante naghahanap ng pangalan nila o sa mga senior citizens, o sa mga PWDs maaari sila tulungan para malan po nila kung saan ang presinto nila.” Pahayag ni Buenaobra.