Puspusan na ang paghikayat ng PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa publiko na magpa-rehistro para sa Barangay at SK o Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay PPCRV National Chairperson Rene Sarmiento, ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang April 29 na deadline kaya’t dapat nang samantalahin ang pagpapa-rehistro.
Bukas ang mga tanggapan ng COMELEC mula 8:00 hanggang 5:00 ng hapon para tumanggap ng mga nais magpa-rehistro.
By Judith Larino