Pinaalalahanan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang mga kandidato na tumulong sa halip na mamulitika.
Sa harap ito ng kaliwa’t kanang pag-iikot ng ilang pulitiko sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad para mamahagi ng tulong.
Ayon kay PPCRV National Chairperson at dating Ambassador Henrietta de Villa, hindi dapat gamitin ng mga kandidato ang pagkakataon para makapagpakilala o makapangampaniya sa mga sinalanta.
Dapat aniyang taos sa puso ang gagawing pagtulong sa pamamagitan ng hindi paglalagay ng pangalan sa mga ipamamahaging relief packs gayundin sa mga tarpaulines na nagsasabi kung sino ang nagkaloob ng tulong sa mga sinalanta.
By Jaymark Dagala