Umapela ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa publiko na patuloy na magtiwala sa Commission on Elections (Comelec) at maging sa poll technology provider na Smartmatic.
Paliwanag ni PPCRV National Trustee at Director for Voters Education and Volunteers Mobilization Dr. Arwin Serrano, mayroon lamang talagang mga tao na nais magdulot ng kalituhan at subukang pigilan ang halalan.
Iginiit pa nito na mawawalan ng saysay ang ginagawang paghahanda sa paparating na halalan kung mawawala ang tiwala ng publiko.
Sinabi pa ni Serrano na ang isyu sa Data breach ay dulot ng isang dating empleyado ng Smartmatic at sangkot lamang ang mga personal files ng ilang Comelec official at ang kanilang personal engagement activities sa Smartmatic.