Umabot na sa mahigit 13,000 mga shipments na naglalaman ng mga PPE o personal protective equipment ang nai-release na ng Bureau of Customs (BOC).
Sa pahayag ng BOC, 10 ang nai-release nito kahapon, Martes, Hulyo 7.
Ang naturang mga PPE shipments ay inirelease sa Ninoy Aquino International Airport.
Kasunod nito, sa tala ng BOC, nasa kabuuang 13,678 na ang bilang ng mga nairerelease na kargamento.