Tinawagang pansin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga opisyal ng Cebu City Medical Center para itapon ang mga personal protective equipment (PPE) suits na isinampay sa harap ng kanilang pagamutan para patuyuin.
Ayon sa IATF, delikado ang ginagawa ng nasabing paggamutan, dapat aniya ay tinatanggal nila ito at itinatapon na.
Depensa naman ng pamunuan ng Cebu City Medical Center, ang naturang PPE ay ginamit ng mga nasa outpatient department.
Hindi na rin naman anila gagamitin ulit ang mga PPE na iyon.