Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRCV) na kasalukuyan nang naghahanda para sa paparating na halalan sa Mayo a-nuwebe ang mga volunteers nationwide.
Wala namang ibinigay na karagdagang reaksiyon sa panayam ng DWIZ si PPCRV Director for Voter Education Dr. Arwin Serrano, kaugnay sa isyu ng pagbabanta ni COMELEC Commissioner Rey Bulay na kakastiguhin ang mga bumabatikos sa ginagawang paghahanda ng COMELEC sa darating na eleksiyon.
Samantala, nagpaalala naman si Serrano sa mga botante kung ano ang mga dapat gawin pagsapit ng botohan.