Maaari umanong bawiin ng mga susunod na administrasyon ang iginawad na prangkisa sa Dito Telecommunity Corporation bilang third telco player sa bansa.
Ito ang lumabas sa isinagawang pag-aaral ng creator tech na isang consulting firm sa Asia at Pasipiko na nakabase sa Australia.
Sa nasabing pag-aaral, ipinahiwatig na tila may iregularidad sa selection process hinggil sa paggagawad ng prangkisa sa dito telco.
Ang pakikipagsosyo umano ng Dito telco sa Chinese telcom na ZTE ay nakabatay umano sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Prime Minister Li Kequiang para sa kumpaniyang magpapatakbo ng ikatlong telco sa Pilipinas.