Pumalo na sa 18-milyong mga calls ang natanggap at naaksyunan ng emergency hotline number 911 sa nakalipas na taon.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na noong nakaraang taon ay mas lalo pang lumakas ang 911 emergency hotline lalo’t marami ang tumatawag dito para sa agarang tugon sa iba’t-ibang emergencies.
Pero ayon kay Malaya, may mga natatanggap din silang ‘prank calls’ na walang emergencies at gusto lang manloko.
Ang problema po kasi, marami pong tumatawag sa 911 na hindi naman po emergency at ‘yung mga prank calls din po ay marami rin po. Patuloy lang po ang pagsisilbi ng ating mga emergency tele-communicators,” ani Malaya.
Dahil dito, nanawagan si Malaya sa publiko, na huwag ng magtangkang manloko o mag-prank call para hindi masaya ang oras ng kanilang mga agents na tumatanggap ng tawag.
Pagdidiin pa ni Malaya, ang oras na ginugugol ng kanilang agents sa ‘prank call’ ay oras na nasasayang na dapat na sana’y tutugon sa mga may lehitimong emergencies.
Sana po ay huwag na silang tatawag ng prank calls sa 911 dahil, a prank call, time lost for our call center agents to respond to a legitimate call. ‘Yan po ang isa sa mga panawagan ng DILG sa ating mga kababayan,” ani Malaya.