Nahalal sa katatapos lamang na eleksyon ang independent centrist na si Emmanuel Macron bilang pinakabatang pangulo ng France sa edad na tatlumpu’t siyam (39).
Nagwagi si Macron sa Presidential Elections sa botong 65.8 percent o katumbas ng 20.4 million votes laban kay Marine Le Pen na nakakuha ng 34.2 percent o 10.6 million votes.
Daan-daang libong supporter ni Macron ang nagdiwang sa Paris sa kasabay ng kanyang speech matapos ang tagumpay sa halalan.
Sa pagkapanalo ni Macron, inaasahang maiiwasang matulad ang France sa Britanya na kumalas sa European Union dahil sa pagiging pro-EU ng bagong halal na Pangulo.
ByDrew Nacino
Pransya may bago nang Pangulo was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882