Nagsagawa ng prayer rally ang ilang grupo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila.
Ito ay para sa patas at malinis na halalan sa darating na Mayo a-9.
Nabatid na partikular na ipinagdasal ni Fr. Robert Reyes kasama si Fr. Flavie Villanueva at mga miyembro Urban Poor Associates na magabayan ang mga tao sa tamang pagboto.
Umaasa mga dumalo sa naturang rally na dedepensahan at iingatan ng Comelec ang mga balota at proseso sa gagawing halalan gayundin ang pagbibilang ng boto. —sa panulat ni Mara Valle