Nakatakdang magpalabas ng bagong memorandum circular ang DOLE o Department of Labor and Employment kaugnay sa dumaraming dayuhang manggagawa sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layunin nitong matiyak na mabibigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na maunang mapipili sa mga trabaho sa bansa kesa sa mga dayuhan.
Sinabi ni Bello kabilang sa lalamanin ng memorandum ang pagsasapubliko ng pangalan ng dayuhang aplikante at trabahong ina-applayan nito sa loob ng isang buwan.
Ito naman ay para mabigyan ang sinumang Filipinong manggagawa na kontrahin at kunin ang naturang trabaho.
Paliwanag ng kalihim, sakaling may Filipino ang nagpakitang magagampanan nito ang trabaho, hindi na aniya magpapalabas ang DOLE ng working bisa para sa nasabing dayuhan.