Mabilis na tinugunan ng Philippine Red Cross (PRC) ang apat na insidente ng sunog sa Metro Manila na naganap ilang minuto lamang matapos salubungin ng mga Pilipino ang taong 2023.
Matapos na makatanggap ng report, agad na idineploy ng PRC ang firefighting at emergency medical services nito upang tumulong sa pag-apula ng sunog na sumiklab sa mga residential ares at isang warehouse sa Tondo, Taguig City, Quezon City, at Valenzuela.
Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer Richard Gordon, kahit na ipinagdiriwang ang bagong taon ay handa ang organisasyon na rumesponde sa mga biktima ng sunog at iba pang insidente.
Ang mga resources ng PRC gaya ng mga ambulansya at fire trucks ay bahagi ng national response ng humanitarian organization upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad sa panahon ng emergency.