Nagsagawa ng bloodletting activity ang Philippine Red Cross (PRC) at Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT-2 Araneta Center Cubao Station.
Layunin ng aktibidad na matulungang madagdagan ang blood reserve sa bansa na nakararanas ng supply shortage matapos matigil ang mga blood donation activity dahil sa COVID-19 pandemic.
Pinasalamatan naman ni PRC Chairman at CEO Richard GOrdonsa LRTA dahil sa patuloy nitong pakikipag- tulungan sa PH Red Cross.
Samantala, 21 blood units ang nakolekta ng PRC sa naturang aktibidad. – sa panulat ni Hannah Oledan