Bukas ang Philippine Red Cross o PRC sa pagsasagawa ng clinical trials sa anti-parasitic drug na ivermectin sa kanilang isolation facilities.
Ito’y matapos ihayag ni Department Of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development na kanilang pinag-aaralan ang paggamit sa pasilidad ng PRC para sa pag-aaral ng Ivermectin.
Ngunit paglilinaw ni PRC Chairman Richard Gordon, basta’t ang gobyerno ang mangangasiwa sa procedure sa nasabing clinical trial.
Dagdag pa ni Gordon, wala pa rin naman siyang nababalitaang namatay na sa pag-inom ng ivermectin kaya’t kung papayag ang mga pasyente ay walang magiging problema.